Iginiit ni Sen. Sherwin Gatchalian na dapat ay may Station Lifeguards sa public beaches, swimming pools at bathing facilities ngayong panahon ng tag init at nalalapit na Holy Week dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga nais mag-swimming.
Una nang inihain ni Gatchalian ang Senate Bill 1142 o ang proposed Lifeguard Act of 2022 dahil sa dami ng bilang ng mga nalulunod na karamihan ay mga kabataan.
Base sa ulat ng World Health Organization, 20 katao ang namamatay kada araw dahil sa pagkalunod at karamihan sa mga biktima ay mga kabataan.
Dapat aniyang tiyaking ligtas at payapa ang mga panahong inilalaan ng bawat isa para sa pamilya kayat bukod sa pagpapakalat ng mga pulis sa lansangan dapat rin na magkaroon ng station lifeguards sa pampubikong paliguan ngayong panahon ng tag init at Holy Week.