dzme1530.ph

Pagtatalaga kay Sec. Recto bilang Executive Secretary, malaking panalo para sa administrasyon

Loading

Isang malaking panalo para sa gobyerno ang patatalaga kay Secretary Ralph Recto bilang Executive Secretary.

Ito ang binigyang-diin ni Sen. Erwin Tulfo kasabay ng pagbati kay Recto sa kanyang bagong posisyon.

Sinabi ni Tulfo na napatunayan na ang kakayahan ni Recto nang pamunuan ang Department of Finance (DOF) at maging pangunahing tagapagtanggol ng ekonomiya ng bansa.

Ipinahayag din ng senador ang kanyang pagpapahalaga sa suporta ni Recto sa mga nagdaang taon, partikular noong siya ay nagsilbi bilang Kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at si Recto ay miyembro pa ng Mababang Kapulungan.

Malaking tulong anya ang walang sawang suporta ni Recto upang maisakatuparan ang mga programang nagtataguyod ng katarungang panlipunan.

About The Author