dzme1530.ph

Pagtatalaga kay Judge Jaime Santiago sa NBI,  ikinatuwa ng isang senador

Ikinagalak ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang pagtatalaga kay retired Judge Jaime Santiago bilang bagong director ng  National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabi ni Revilla na taong 1996 ay isang karangalan sa kanya na gampanan ang buhay at kwento ng bagong opisyal.

Ito aniya ang pelikulang ‘SPO4 Santiago: Sharpshooter’.

Kaya ikinatutuwa ng senador ang bagong yugto sa pagganap sa tunay na buhay bilang bagong tagapamuno ng NBI.

Pinalitan ni Santiago si Medardo de Lemos bilang NBI director.

Sa kanyang oathtaking, nangako si Santiago na kabilang sa kanyang magiging prayoridad ang pagpapabilis ng proseso ng NBI clearances at paglaban sa  cybercrime syndicates at scammers.

About The Author