![]()
Welcome para kay Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang pagpapatupad ng Department of Agriculture ng Minimum Retail Suggested Price (MRSP) na ₱120 kada kilo para sa pula at puting sibuyas.
Sinabi ni Pangilinan na isa itong hakbang upang hindi na mahirapan ang mga konsyumer sa mataas na presyo ng pangunahing sangkap ngayong Kapaskuhan.
Ibinahagi rin ng senador ang karanasan ng kaniyang mga staff na nakapansin ng presyo ng sibuyas na umaabot sa ₱200 kada kilo nitong mga nagdaang araw.
Dahil sa MRSP, umaasa si Pangilinan na mapapawi ang biglaang pagtaas ng presyo sa merkado at matitiyak ang mas abot-kayang presyo para sa mga mamimili.
Nagpahayag din ng tiwala ang senador sa DA na tama ang pagkakalkula ng MRSP, lalo na sa pagbalanse ng lokal na produksyon at importasyon, at sa pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga magsasakang Pilipino at mga mamimili.
