Pinag-aaralan ng gobyerno na magtakda ng limitasyon o hiring cap para sa Contract of Service at Job Order workers.
Sa sectoral meeting sa Malacañang na pinangunahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., iniulat ng Dep’t of Budget and Management na umabot na sa 832,812 ang COS at JO workers sa pamahalaan, na mas mataas ng 22.90% mula sa 642,077 noong 2022.
69.68% o 580,323 sa mga ito ay nasa Local Gov’t Units, 173,227 sa National Gov’t Agencies, at 44,168 sa State Universities and Colleges na dumoble mula sa dating 22,937.
Kaugnay dito, tinalakay ang mga istratehiya tulad ng posibleng hiring cap o papayagang bilang ng COS at JOs sa bawat ahensya.
Kasama rin ang conversion ng COS at JOs sa contractual positions na magbibigay sa kanila ng gov’t service benefits, manpower augmentation, at pagbibigay-daan para sila ay maging kuwalipikado sa mga permanenteng gov’t positions.