dzme1530.ph

Pagtataas ng standards sa turismo, makakamit sa pamamagitan ng pag-iinvest sa edukasyon at training ng tourism workers

Ang edukasyon ang susi sa pagpapa-unlad sa mga sektor, tulad ng turismo.

Ito ang binigyang-diin ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagdalo sa 36th joint meeting ng United Nations Tourism Commission for East Asia and the Pacific at UN Tourism Commission for South Asia sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Sa kanyang talumpati, inihayag ng Pangulo na kailangang i-angat ang standards at practices sa napakahalagang sektor ng turismo, sa pamamagitan ng pag-iinvest sa edukasyon, training, at skills development ng tourism workers.

Hihingin din ang tulong ng mga eksperto at professionals sa iba’t ibang larangan upang mas maging makabuluhan at educational ang tourism experience hindi lamang sa mga turista kundi pati sa stakeholders.

Samantala, ipagpapatuloy din ang pakikipagtulungan sa pribadong sektor para isulong ang “Visit, Stay, Spend, and Return” sa mga turista, sa pamamagitan ng pagpapagaan ng access sa VISA, pagsasaayos ng water sanitation at healthcare facilities sa tourist destinations, at pagpapaganda sa connectivity hubs tulad ng airports.

Isinulong din ni Marcos ang green tourism o ang balanseng pagtataguyod ng turismo at pangangalaga sa kapaligiran at lokal na kultura.

About The Author