dzme1530.ph

Pagtapyas sa taripa ng imported rice, welcome move para kay Basilan Cong. Mujiv Hataman

Welcome move kay Basilan Cong. Mujiv Hataman ang 15% cut na ipatutupad sa taripa ng imported rice, sa hangaring mapababa ang presyo ng bigas sa merkado.

Ayon kay Hataman, mahirap man o mayaman laging bahagi ng hapag-kainan ang kanin kaya ano mang hakbangin para mapababa ang presyo nito ay parating welcome.

Aminado ang kongresista na maraming pamilya ngayon ang hirap na talagang kayanin ang mataas na presyo lalo na ang bigas na siyang “single biggest determinant” ng inflation.

Umaasa na ito na sa lalong madaling panahon ay maramdaman agad ng taumbayan ang pagbaba ng presyo ng bigas.

Una nang isinapubliko ng National Economic and Development Authority (NEDA) board kung saan chairman si PBBM, na aprubado na ang 15% tariff cut sa imported rice mula sa kasalukuyang 35%, at tatagal ito hanggang 2028.

About The Author