Naniniwala ang isang maritime law expert na magiging panibagong “irritant” sa relasyon ng Pilipinas at China ang pagtanggi ng Beijing na bayaran ang P60-M na demand ng AFP para sa mga danyos na likha ng June 17 confrontation sa Ayungin Shoal.
Sinabi ni Prof. Jay Batongbacal, Director ng UP Institute of Maritime Affairs and Law of the Sea, na hindi dapat isuko ng Pilipinas ang demand at dapat ding magpakita ang China ng good faith kung nais nilang pagkatiwalaan sila sa mga dayalogo.
Noong nakaraang linggo ay ipinagpatuloy ng Pilipinas at China ang bilateral consultation mechanism on the South China Sea upang ayusin ang maritime disputes, kung saan nagkasundo ang magkabilang panig na pahupain ang tensyon.
Una nang ibinasura ng China ang demand ng AFP, kasabay ng pagsasabing dapat harapin ng Pilipinas ang consequences o kabayaran ng sarili nitong hakbang.
Banat naman ni Batongbacal, ugali ng China na hindi umamin kahit alam nilang sila ang mali, patunay aniya ng pagiging hindi responsable at hindi matured.