dzme1530.ph

Pagtalikod ng Pilipinas sa mga nakasisirang tratado at kasunduan, napapanahon na!

Loading

Hinimok ni former Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang Marcos, Jr. administration na “i-revaluate ang tinawag nitong onerous treaties at agreements” na pinasok ng Pilipinas.

Ang panawagan ay sa harap ng 17% tariff na ipinataw ng Trump administration sa mga produkto ng Pilipinas na ipinapasok sa Amerika.

Para kay Zarate, ito ang malinaw na patunay na bigo ang liberalization at globalization policy na inakap ng Pilipinas.

Aniya ang hakbang ng Amerika na nagpapalaganap ng ‘open market at deregulasyon sa negosyo ay kabaliktaran sa nangyayari ngayon.

Hinikayat umano ng Amerika ang Pilipinas na i-bukas nito ang merkado, i-regulate ang mga industriya, isapribado ang utilities at ipatupad ang mababang sahod, ngunit ngayon sa ilalim ng Trump presidency protectionist measures o kabaliktaran ang ipinatutupad nito.

Panahon na ayon kay Zarate na protektahan ng Pilipinas ang sariling ekonomiya, sariling mamamayan at mga resources nito sa pamamagitan ng pagtalikod sa mga nakasisirang tratado at kasunduan na pinasok ng mga nagdaang administrasyon.

About The Author