dzme1530.ph

Pagtalakay sa quo warranto petition laban kay Sen. Erwin Tulfo, sisimulan sa susunod na buwan

Loading

Sisimulan na sa susunod na buwan ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang pagdinig sa quo warranto petition na inihain laban kay Senador Erwin Tulfo dahil sa kanyang citizenship.

Ito ang kinumpirma ni Senador Kiko Pangilinan, isa sa mga miyembro ng SET.

Sa kabilang dako, tiniyak ni Tulfo ang kahandaang harapin ang petisyong inihain laban sa kanya ng disbarred lawyer na si Berteni Cataluna Causing.

Ayon kay Tulfo, apat na beses nang naghain si Causing ng disqualification case laban sa kanya sa Comelec dahil sa citizenship issue, subalit lahat ay naibasura.

Tinangka rin umano ng dating abogado na pigilan ang kanyang proklamasyon, subalit hindi rin siya nagtagumpay matapos i-dismiss ng Comelec ang petisyon.

Tiwala si Tulfo na maibabasura din ang quo warranto petition, subalit posible itong umakyat pa sa Korte Suprema ang dating abogado.

Binigyang-diin ni Tulfo na nagsumite na siya ng sertipikasyon mula sa US Embassy ukol sa kanyang non-citizenship at kanyang birth certificate mula sa Philippine Statistics Authority.

Sa paulit-ulit na paghahain ng petisyon ni Causing laban sa kanya, iniisip na lamang ng senador na nakatutulong siya sa hanapbuhay nito bilang content creator.

About The Author