dzme1530.ph

Pagtalakay sa impeachment laban kay VP Sara, hindi dapat maging krisis sa bansa

Loading

NANINDIGAN si Senador Alan Peter Cayetano na hindi dapat maging krisis o hindi dapat makaabala sa kalagayan ng bansa ang pagtalakay sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

 

Ipinaliwanag ni Cayetano na kumpara sa pag-iimpeach ng isang Presidente, mas magaan ang proseso ng pagpapatalsik sa Pangalawang Pangulo.

 

Katunayan, ayon sa senador, bukod sa impeachment may iba pang paraan upang mapapanagot ang isang Bise Presidente.

 

Hindi anya katulad ng Pangulo, ang Bise Presidente ay hindi immune from suit kaya’t maaari siyang kasuhan sa korte.

 

Ipinaalala naman ni Cayetano na tungkulin ng Senado ang pagsasagawa ng impeachment proceedings at ito ay hindi nila maaarig balewalain.

 

Idinagdag din ng senador na hindi rin maganda para sa kanila ang magkomento kaugnay sa merito ng impeachment case lalo pa’t nanunumpa sila bilang impeachment judge upang maging patas sa pagtalakay ng reklamo.

About The Author