dzme1530.ph

Pagtalakay sa Charter Change, ‘di pag-aaksaya ng panahon, ayon sa isang Senador

Nanindigan si Senador Nancy Binay na hindi pagsasayang ng oras at resources ang pagtalakay sa economic charter change bill.

Ito ay kahit lumitaw sa pinakahuling survey na 88% ng mga Pilipino ang tutol sa anumang pagbabago sa saligang batas.

Sinabi ni Binay na mas mainam na pag-usapan pa rin ang charter change upang mabuksan sa publiko ang iba’t ibang kaisipan kaugnay sa konstitusyon.

Siya mismo anya bilang mambabatas ay marami siyang natututuhan sa mga framers ng 1987 Constitution.

Bukas din naman ang senadora kung iikot sila sa mga probinsya sa bansa upang mapakinggan din ang sentimyento ng mga Pilipino hinggil sa charter change.

Una rito, batay sa survey na ginawa ng Pulse Asia nitong March 6 to 10, lumalabas na 8% lang ng mga respondent ang naniniwalang dapat nang amyendahan ngayon ang Saligang Batas.

About The Author