Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang pagtakip sa license plate para iwasan ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) ay may kaukulang multa na ₱5,000.
Ayon kay MMDA Traffic Discipline Office head Victor Maria Nuñez, ipinag-utos na sa mga field personnel na tiketan ang mga motoristang nagtatakip ng plaka.
Sinabi ng MMDA na may mga paraan ang ahensiya upang mabisto ang mga motoristang gagawa ng iba’t ibang istilo para makaiwas sa NCAP.
Ito anila ay sa pamamagitan ng pag-backtrack at pagtukoy sa dinaanang ruta ng pasaway na motorista.