dzme1530.ph

Pagtakas ni Alice Guo sa bansa, tinawag na “international shame”

Maituturing na international shame para sa bansa ang pagtakas ni Gua Hua Ping o si Alice Guo.

Ito ang binigyang-diin ni Sen. Sherwin Gatchalian kasabay ng pagsasabing ang istorya ni Guo ay hindi lamang inaabangan sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Dahil dito, pinasalamatan ni Gatchalian si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa agarang aksyon nito na ipakansela ang pasaporte ni Guo.

Sa pamamagitan aniya nito ay mas liliit pa ang mundo ni Guo at mahihirapan siyang umikot-ikot pa sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang Chinese passport.

Binigyang-diin pa ni Gatchalian na dapat gamitin ng gobyerno ang lahat ng resources upang maimbestigahan ang isyu at papanagutin ang mga taong responsable sa pagtakas ni Guo.

Dapat aniyang may ulong gumulong dahil malaking kahihiyan ito sa bansa.—ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author