Maituturing na senyales ng pagiging guilty ang sinasabing pagtakas ng ilang isinasangkot sa mga anomalya sa mga flood control projects.
Bunsod ito ng impormasyon na may mga personalidad nang nakalabas sa bansa at nasa Amerika na.
Ayon kay Sen. Jinggoy Estrada, ang pag-alis sa bansa ng mga ito ay maituturing na pag-amin sa kasalanan o guilty sila sa katiwalian ng mga ghost flood control projects.
Samantala, para kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa, mahirap husgahan agad ang pagalis sa bansa ng mga dawit sa flood control projects.
Sa tingin ni dela Rosa, posibleng mayroon sa mga ito ang na-ra-rattle o naguguluhan lamang at hindi alam ang gagawin at sa halip na idiin ang mga utak ng maanomalyang gawain ay mas pinili na lamang umalis ng bansa.