dzme1530.ph

Pagtaas ng teaching supplies allowance, magpapaluwag sa kalagayang pinansyal ng mga guro

Naniniwala si Senator Sonny Angara na makatutulong ang pagpasa ng Kabalikat sa Pagtuturo Act na mapaluwag ang kalagayang-pinansyal ng mga guro sa bansa.

Pinasalamatan ni Angara, isa sa may-akda ng batas, si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Dahil dito, inaasahan na mas makakatutok at higit na magiging epektibo ang mga pampublikong guro sa kanilang tungkulin na bigyan ng dekalidad na edukasyon ng mga mag-aaral.

Sa loob aniya ng limang taon, palagiang tinitiyak ni Angara na matatanggap ng mga guro ang kanilang teaching supply allowance bawat taon.

Sa ilalim ng 2020 General Appropriations Act, nakapagbigay ng P3, 500 na teaching supplies allowance sa mga guro.

Umakyat ito sa P5,000 noong 2021 at sa bagong batas ay aakyat na sa P10,000 na walang kaltas ng income tax.

Alinsunod sa batas, bubuo ang Department of Education, sa pakikipagtulungan sa Department of Budget and Management, ng implementing rules and regulation (IRR) sa loob ng 60-araw.

Ngunit kahit walang IRR, iginiit ni Angara na magiging epektibo pa rin ang batas sa loob ng 15-araw makaraang malathala ito sa Official Gazette o sa isang nasyunal na pahayagan.

About The Author