![]()
Pinag-iisipan ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na tataasan ang pabuya sa indibidwal na makapagtuturo sa kinaroroonan ng gambling tycoon na si Charlie Atong Ang para sa ikakaaresto nito.
Aniya, malapit na siyang mapikon, at kung mangyari yon, tataaasan na nito ang halaga ng pabuya.
Matatandaan na naglagay ng sampung milyong pabuya ang pamahalaan para sa ikadarakip ng puganteng negosyante.
Nahaharap si Ang sa arrest warrants kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero.
