dzme1530.ph

Pagtaas ng dengue cases, na-obserbahan sa Quezon City at Western Visayas

Nakapagtala ang Pilipinas ng mahigit 60,000 na kaso ng dengue sa bansa simula Enero hanggang Mayo ngayong taon.

Sa datos mula sa Department of Health (DOH), kabuuang 67,874 dengue cases ang na-monitor sa unang limang buwan ng 2024.

Na-obserbahan ang pagtaas ng kaso sa ilang lugar, gaya sa Quezon City at sa iba’t ibang bahagi ng Western Visayas.

Ayon kay Dr. Ramona Asuncion Abarquez, Quezon City Acting Health Officer III, umabot sa 1,218 ang dengue cases sa lungsod simula Jan. 1 hanggang June 1, na mas mataas ng 28% kumpara sa 268 cases noong nakaraang taon.

Samantala, mayroon na ring na-monitor na clustering ng dengue cases sa 20 barangay sa DOH Western Visayas, kung saan 3,283 na mga kaso ang naitala sa rehiyon simula noong Enero.

About The Author