Pinuri ni Senate Committee on Tourism Chairman Nancy Binay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagsusulong nito ng food tourism ng bansa.
Sinabi ni Binay na matagal na niyang isinusulong na tulungang maiangat at mapataas ang kalidad ng mga pagkaing Pinoy dahil malaki ang potensyal ng ‘food tourism’ at magiging malakas itong marketing tool para mahikayat ang mga turista na bumisita sa bansa.
Iginiit pa ng senadora na ang street delicacies ay sumasalamin din sa lokal na kultura na nagsisilbi ring showcase ng heart and soul sa isang lugar sa bansa.
Maibibigay aniya ang credit sa mga creative na street vendor na nagagawa nilang tunay masarap at malasa na pagkaing Pinoy ang kanilang ibinebenta.
Idinagdag ni Binay na ang mga authentic street food sa bawat probinsya at rehiyon sa bansa ay nakakatulong sa mayamang culinary traditions bagay na nagpapakita na rin ng kultura ng ating bansa.