dzme1530.ph

Pagsusulong ng military-backed “reset” sa gitna ng isyu ng katiwalian, tinanggihan

Loading

Iginiit ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na bagama’t dapat magpatuloy ang galit ng publiko sa katiwalian sa likod ng maanomalyang flood control projects, hindi dapat ito humantong sa paglabag sa Konstitusyon.
Tinukoy ni Lacson ang mga panukala tulad ng tinatawag na “transition council” at umano’y military-backed “reset” na kapwa labag sa Konstitusyon, kung kaya’t ang mensahe niya sa mga nagtutulak nito ay “Dream on.”
Inamin ni Lacson na may nag-udyok sa kanya upang isulong ang civil-military junta subalit hindi niya ito pinapansin.
Binigyang-diin ni Lacson na sa ilalim ng 1987 Constitution, ang linya ng succession ay nagtatapos sa House Speaker. Ito rin ang dahilan kung bakit inihain niya ang kanyang “Designated Survivor” bill upang palawigin ang succession line at isama ang pinakamatandang miyembro ng Senado at Kamara.
Tinukoy din ni Lacson na ang pamunuan ng Simbahang Katolika ay tutol sa karahasan, batay sa pag-uusap niya kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines president Cardinal Pablo Virgilio David.
Binanggit din nito ang positibong hakbang ng gobyerno, kabilang ang pag-isyu ng arrest warrants laban kay dating Rep. Elizaldy Co at ilang iba pa.

About The Author