Aminado si Sen. Sherwin Gatchalian na mas lalong naging challenging ngayon ang pagpapasa ng Economic Charter Change Bill kasunod ng pinakahuling resulta ng survey na mayorya ng mga Pinoy ang tutol sa pagbabago ng Saligang Batas.
Inamin din ng senador na pag-aaksaya lamang ng panahon at resources ang patuloy na pagsusulong ng pagtalakay ng panukala kung sa bandang huli ay ibabasura lamang ito ng taumbayan sa plebesito.
Isa naman sa sinisisi ni Gatchalian sa naging paniniwala ng publiko sa charter change ang isinulong na People’s Initiative na naging dahilan ng bangayan ng Kamara at Senado.
Sinabi ni Gatchalian na malaki ang naging epekto ng bangayan ng mga kongresista at mga senador sa paglaki pa ng bilang ng mga Pinoy na tumututol sa pagsusulong ng ChaCha.
Kasabay nito, inamin din ni Gatchalian na siya mismo na nagsulong ng Resolution of Both Houses No. 1 para sa economic chacha ay nanghihina na ang loob para maaprubahan pa ang pagbabago sa Saligang Batas.
Lalo pa aniyang magiging malabo ang pag-apruba sa Economic ChaCha kung diringgin ang panawan na isama sa pagtalakay ang political provisions ng konstitusyon.