dzme1530.ph

Pagsuspinde ng LGUs sa mga klase, walang problema sa DEPED basta ipatutupad ng mga paaralan ang blended o distance learning —VP Sara

Inanunsyo ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na maaring lumipat sa blended learning mula sa on-site classes ang mga paaralan sa gitna ng tumataas na heat index sa bansa bunsod ng El Niño.

Sinabi ng bise presidente na walang problema kung suspindihin ng local government units (LGUs) ang mga klase basta’t ipatutupad ng mga eskwelahan ang blended o distance learning.

idinagdag ni VP Sara na kahit walang face-to-face classes ay maipagpapatuloy pa rin naman ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng modules.

Ilang LGUs na mula sa limang rehiyon sa bansa ang nagsuspinde ng in-person classes sa public at private schools dahil sa matinding init ng panahon.

About The Author