dzme1530.ph

Pagsuporta sa hinihinging confi fund ni VP Duterte, pinanindigan ni Sen. Go

Dinipensahan ni Senador Bong Go ang pagsuporta niya sa confidential funds ng mga tanggapan ni Vice President Sara Duterte.

Iginiit ni Go na wala siyang nakikitang masama sa confidential funds basta matitiyak na nagagamit ito sa tama.

Malaki aniya ang tiwala niya sa bise presidente, sa kaniyang integridad at kakayahan na ma-implementa ang mga programa ng OVP at DepEd.

Batid niya na sa abilidad na ito ng pangalawang pangulo ay hindi masasayang ang pondo ng bayan.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit sumuporta siya sa proposed budget ng tanggapan ni Duterte sa nakaraang budget deliberations sa Senado. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author