dzme1530.ph

Pagsulpot ng mga resort sa Chocolate Hills sa Bohol, pinabubusisi sa Senado

Nais ni Senador Nancy Binay na magsagawa ng imbestigasyon ang Senado kaugnay sa mga nagsulputang istruktura sa paanan mismo ng Chocolate Hills sa Bohol.

Sa kanyang Senate Resolution no. 967, nais ni Binay na busisiin ng kaukulang kumite ng Senado ang pagtatayo ng Captain’s Peak Garden and Resort na naglagay ng mga cottages at water slides para sa pool sa paanan at gilid mismo ng Chocolate Hills gayundin ang isa pang resort na Bud Agta malapit din sa lugar.

Ipinaalala ni Binay na tungkulin ng Senado na protektahan at panatilihin ang natural, biological, at physical diversities ng kalikasan lalo na ang mga lugar na biologically unique para mapanatili ang human life.

Partikular na nais tukuyin sa imbestigasyon ang naging paglabag sa anumang batas ang clearing operations para sa access road sa resort at ang mismong konstruksyon ng mga istruktura at kung sino ang dapat managot dito.

Layun din ng imbestigasyon ang mapangalagaan ang protected area at major tourist attraction sa Bohol.

About The Author