![]()
Kumpiyansa si Senate President Tito Sotto na tuloy tuloy pa rin ang pagsisiyasat laban sa mga sangkot sa mga anomalya kaugnay sa flood control projects.
Ito ay sa kabila ng pagbibitiw ng isa pang kumisyuner ng Independent Commission for Infrastructure o ICI na Rosanna Fajardo.
Sinabi ni Sotto na sa pagkakaalam niya ay sapat na ang natuklasang findings sa imbestigasyon ng ICI at isinumite na nila ito sa Department of Justice at Ombudsman.
Ipinaliwanag ng senate leader na lahat ng mga isinumiteng testimonya at mga dokumento ay sapat na upang maipagpatuloy ng DOJ at Ombudsman ang pagsisiyasat para mapanagot ang mga sangkot sa katiwalian.
Tiniyak naman ni Sotto na makakatulong pa rin sa imbestigasyon at sa mga susunod pang pagsisiyasat ang itatatag na Independent People’s Commission. Sinabi ni Sotto na posibleng sa susunod na taon na nila maipasa ang panukala para sa pagtatatag ng IPC dahil sa Lunes ay ang panukalang budget lamang ang kanilang aaprubahan
