dzme1530.ph

PAGSISIYASAT SA FLOOD CONTROL MESS, HINDI PA TAPOS, AYON SA MALAKANYANG

Loading

Nilinaw ng Malakanyang na hindi pa tapos ang imbestigasyon kaugnay sa flood control scandal sa pagsasara ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.

 

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, naisumite na ng ICIC ang kanilang report sa Ombudsman para sa mas malalimang imbestigasyon kaya’t magpapatuloy ang pagpapanagot sa mga taong nagkasala.

 

Bukod sa Ombudsman, may imbestigasyon din aniya ang Department of Justice para sa mga inirekomendang sampahan ng mga kaso.

 

Ipinaalala pa ni Castro na may motu proprio powers din ang Ombudsman at DOJ para magsagawa ng pagsisiyasat.

 

Ang ICI ay mayroon na lamang hanggang March 31 para tapusin ang kanilang mandato sa maanomalyang flood control projects.

About The Author