dzme1530.ph

Pagsisimula ng tag-ulan, posibleng ideklara ngayong linggo

Loading

Posibleng ideklara na ngayong linggo ang pagsisimula ng rainy season, dahil sa inaasahang epekto ng Southwest Monsoon o Habagat sa Luzon at Western Visayas.

Noong Biyernes ay idineklara ng Pagasa na nag-umpisa na ang Habagat Season sa Pilipinas, kasunod ng paghina ng Easterlies.

Sinabi ng State Weather Bureau, isa ang presensya ng Habagat sa precursors bago opisyal na ideklara ang pagsisimula ng tag-ulan.

Asahan din ang paminsan-minsan hanggang sa madalas na pag-ulan at thunderstorms sa western sections ng bansa dahil sa habagat, bagaman posible pa rin ang monsoon break.

About The Author