dzme1530.ph

Pagsipot ni VP Sara sa pagdinig ng Kamara sa kwestyunableng paglustay ng OVP at DepEd confi funds, inaasahan pa rin

Umaasa pa rin si Manila 3rd Dist Rep. Joel Chua, na dadalo sa November 20 hearing ng Good Gov’t and Public Accountability panel o House Blue Ribbon si Vice President Sara Duterte.

Personal na tinanggap at pinirmahan pa ni VP Sara ang letter-invitation ng panel noong Nov. 13 nang bigla itong sumipot sa hearing ng Quad Comm na dinaluhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinabulaanan ni Chua na isang beses lang nila inanyayahan ang bise presidente, katunayan dumalo na ito sa unang dalawang hearing, subalit ng mga sumunod na pagdining pawang sulat na lang ang ipinapadala nito.

Sa isang pahayag, hindi na naman daw dadalo ang VP, pero umaasa pa rin si Chua na mangi-ngibabaw sa Pangalawang Pangulo ang respeto sa isang co-equal constitutional branch.

Pangunahing sinisiyasat ng House Blue Ribbon ang kwestyunableng paglustay ni VP Sara sa confidential funds ng OVP at Department of Education na pinamunuan din nito. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author