dzme1530.ph

Pagsibak sa pwesto sa hepe ng Navotas police, ‘di pa sapat para sa katarungan sa pagpatay kay Jemboy Baltazar

Bagama’t ikinatutuwa ni Senador Risa Hontiveros ang paghahain ng kaso at pagsibak sa hepe ng Navotas Police dahil sa cover-up sa mga sangkot sa pagpatay kay Jemboy Baltazar, binigyang-diin nito na ang simpleng pagsibak sa posisyon ay hindi pa maituturing na pagbibigay ng katarungan.

Ipinaalala ni Hontiveros na hindi katanggap-tanggap na 11 police officers ang sangkot saa overkill na operasyon na ikinasawi ng isang 17 anyos na lalaki.

Kaya naman hinimok ni Hontiveros ang Ombudsman at Department of Justice na imbestigahan pa ang Navotas police chief at mga tauhan nito dahil sa obstruction of justice makaraang madiskubre na dinoktor ang report sa pagkamatay ni Baltazar at tinanggal ang pangalan ng 11 tauhan.

Oras na anyang masampahan ng kasong kriminal ang mga pulis na inaabuso ang kapangyarihan nila para maiwasan ang saklaw ng batas.

Nakatakda namang maghain ng resolution sa Senado si Hontiveros upang hilingin ang imbestigasyon para maisiwalat ang mga “cover-up operations” na tila binabastos ang integridad ng PNP at lalo na ang taumbayan.

Bukod dito, pinabubusisi rin ng senador ang paglabag ng mga pulis sa kautusan ng Korte Suprema na nag-oobliga sa kanila na magsuot ng body cams sa operasyon. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author