dzme1530.ph

Pagsasapubliko ng SALN, susi sa pagbabalik ng tiwala ng publiko —Sen. Gatchalian

Loading

Kumpiyansa si Sen. Sherwin Gatchalian na magiging epektibong hakbang ang pagsasapubliko ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng gobyerno upang maibalik ang tiwala ng publiko sa pamahalaan.

Ayon kay Gatchalian, ang desisyon ng Office of the Ombudsman na payagan ang pag-access sa SALN ng mga opisyal ay isang positibong hakbang para sa transparency at upang masuri ng taumbayan kung tugma ba ang mga pag-aari ng mga opisyal sa kanilang kita bilang kawani ng gobyerno.

Dagdag pa ng senador, dapat isama sa disclosure hindi lamang ang mga lupa, bahay, at sasakyan kundi pati na rin ang mga bank account at negosyo ng mga opisyal, lalo na ngayong mainit ang mata ng publiko sa mga isyung may kinalaman sa maanomalyang flood control projects.

Maganda rin umano para kay Gatchalian ang ipinatutupad ng Commission on Audit na isa pang hakbang sa proseso ng paghahain ng SALN, ang paglagda ng mga opisyal sa dokumentong tinatawag na Declaration of Conflict of Interest, kung saan nakasaad kung may pag-aari o kaugnayan ang opisyal sa mga kumpanyang may negosyo sa gobyerno, pati na rin kung sino ang mga contractor at ano ang uri ng kanilang negosyo.

About The Author