Tinabla ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rekomendasyon ng National Maritime Council na isapubliko ang schedule ng Rotation at Resupply Missions (RoRe) sa West Philippine Sea (WPS).
Sa Press briefing sa Malakanyang, inihayag ni Department of Defense Secretary Gilberto Teodoro na mismong ang Pangulo ang nagpaalala na hindi ilabas sa publiko ang anumang gagawing RoRe sa WPS.
Iginiit din ni Teodoro na hindi kailanman hihingi ng permiso ang bansa sa kahit kanino man sa pagtupad ng mga tungkulin sa West Philippine Sea.
Sinabi nito na ipagpapatuloy pa rin ang regular na RoRe para sa kapakanan ng mga sundalong naka-istasyon sa BRP Sierra Madre.
Kasabay nito’y tiniyak ng Defense Chief na hindi nagbabago ang polisiya ng gobyerno sa WPS, kung saan mismong ang Pangulo na umano ang nagsabing hindi nito isusuko ang kahit na isang pulgada ng teritoryo sa anumang banyagang bansa.