dzme1530.ph

Pagsasapribado ng busway, pinag-aaralan na rin ng DoTr

Pinag-aaralan na rin ng Department of Transportation (DoTr) ang pagsasa-pribado ng busway system.

Sa panayam ng DZME 1530- Radyo Uno, inamin ni DoTr Sec. Jaime Bautista na pinag-aaralan na ng kanilang technical people ang isinumiteng unsolicited proposal ng isang private group kaugnay sa pag-poprovide ng bus-system sa busway.

“together with the PPP center… public-private partnership center ng government… so posible din nating ma-privatize at maayos yung operations nito… napaka-importante kasi na ma-professionalize yung operations ng ating mga bus, ating mga jeepney, kaya mayroon tayong i-implement na public utility modernization program covering yung mga mas maliliit na sasakyan…”

Sinegundahan naman ito ni dating Surigao del Sur 1st District Rep. Butch Pichay at hinamon ang ilang departamento sa ating pamahalaan na masiyadong tahimik at baka mapag-iwanan.

“‘di pa natin alam kung ano yung medium and then long term plan… dapat they should also try to present to the people kung ano yung medium-long term plan nila sa ating pamahalaan…”

‘Yan ang tinig nina DoTr Sec. Jaime Bautista, at dating Surigao del Sur 1st District Rep. Butch Pichay.