dzme1530.ph

Pagsasangkot sa ilang senador, posibleng diversion sa tunay na sangkot

Loading

Aminado si Senador JV Ejercito na nalulungkot siya sa pagkakadawit ng pangalan ng ilang senador sa isyu ng iregularidad sa flood control projects.

Babala ni Ejercito, posibleng nagiging diversion na lamang ang mga intriga laban sa mga senador at nalilihis ang atensyon mula sa tunay na nasa likod ng anomalya.

Giit ng senador, hindi niya ipinagtatanggol ang kanyang mga kasamahan, subalit dapat umanong alamin kung paano nagsimula ang scam at sino ang nasa likod ng sistematikong krimen na plunder.

Dagdag pa ni Ejercito, mahalagang makagawa ng batas para hindi na maulit ang ganitong anomalya, at hindi dapat ibunton ang sisi sa Senado kung ang ugat ng parking, bukol o sagasa sa anomalya sa proyekto ay hindi naman talaga para sa mga senador.

About The Author