![]()
Bagama’t ninanais ding makita ang pananagutan, iginiit ni Senador JV Ejercito na nauunawaan niyang hindi rin madali ang pagsasampa ng kaso laban sa lahat ng sangkot sa katiwalian sa mga flood control projects.
Ginawa ni Ejercito ang pahayag makaraang marami ang nadismaya dahil hindi naatupad ng pamahalaan ang pangakong may makukulong na sangkot sa katiwalian bago ang Pasko.
Ipinaliwanag ng senador na hindi rin naman talaga kayang madaliin ang pagpapatupad ng pananagutan dahil may due process na kailangang sundin.
Dapat din anyang mag-ingat at siguraduhin na anumang isasampang kaso ay matibay at hindi maibabasura lamang.
Nillinaw ni Ejercito na tulad ng marami ay galit siya sa mga nangyari at nais din niyang may makitang managot sa matinding iregularidad na nakaapekto nang husto sa bansa.
