dzme1530.ph

Pagsasaligal ng civil effects ng annulment, ipinanukala ni Sen. Padilla

Isinusulong ni Senator Robin Padilla ang pagsasaligal ng civil effects ng annulment na inihain sa isang simbahan o religious sects.

Ayon kay Sen. Padilla sa ilalim ng Senate Bill 2047, tinukoy na tanging sa civil o court annulment lang ang ligal at tanging paraan para tuluyang mawala ang bisa ng isang kasal pero ang mga church o religious annulment ay hindi pa kinikilala sa bansa.

Kung kaya’t ipinanukala ni Padilla na bibigyan na rin ng kapangyarihan ang simbahan o isang sekta na magdesisyon kung ipapawalang-bisa o ibabasura ang kasal at kikilalanin ito ng estado.

Dagdag ng senador, nagiging problematic o discriminatory ito lalo na sa mga asawang gusto nang kumawala sa mapang-abuso at miserableng pagsasama.

Nakasaad din sa panukala na ang magiging estado ng bata o anak ng isang mag asawa ay tutukuyin batay sa Family Code of the Philippines’ provision at ang paghahati ng kanilang ari-arian at pagsuporta sa “common children.”

About The Author