dzme1530.ph

Pagsasabatas ng Philippine Maritime Zones Act, napapanahon

Napapanahon ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Maritime Zones Act o ang Republic Act No. 12064.

Ayon kay Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., principal author ng batas, mapapalakas nito ang soberanya ng bansa dahil binibigyang linaw nito ang karapatan ng Pilipinas sa maritime zones.

Ngayon aniya ay may mas matigas nang batayan kung ano ang sakop ng ating teritoryo.

Binibigyang-diin sa batas, ayon kay Revilla na hindi natin palalagpasin ang anumang panghihimasok at harassment sa ating teritoryo.

Patunay din anya ang batas na ito na hindi papayag ang mga Pilipino na pagsamantalahan ng mga dayuhan ang ating natural resources partikular sa West Philippine Sea.

Hindi aniya papayag ang mga Pinoy na yurakan ang ating soberanya at hindi kailanman magiging piping saksi sa kalapastangan sa karagatan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author