dzme1530.ph

Pagsasabatas ng Magna Carta of Filipino Seafarers, napapanahon na

Binigyang-diin ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pangangailangang maisabatas ang Magna Carta of Filipino seafarers kasunod ng pag-atake ng mga Houthi rebels na ikinasawi ng dalawang Pinoy seamen.

Kasabay nito, nagpahayag din ng pagkondena si Villanueva sa anya’y act of terrorism na ikinasugat din ng tatlong tripulante at naglagay din sa panganib sa buhay ng 10 iba pa.

Sinabi ni Villanueva na napapanahon ang pagsasabatas ng panukala na maggagarantiya sa karapatan ng mga Pinoy seafarers sa mga ganitong uri ng insidente.

Hinimok din ng senador ang Department of Foreign Affairs (DFA), kasama ang Department of Migrant Workers (DMW) at iba pang ahensya ng gobyerno na gawin ang lahat ng legal remedies upang makamit ang hustisya para sa mga biktima.

Pinabibigyan din niya ng agarang tulong ang lahat ng naapektuhan ng insidente.

Hinimok din niya nag mga ahensya ng gobyerno na gawan na ng paraan ang repatriation sa mga seafarers na naglalayag sa Gulf of Aden upang maiwasan ang kahalintulad na pangyayari.

About The Author