Hindi kapalit ng panukalang umento sa sahod ang ipatutupad na ‘Benteng Bigas Meron (BBM) Na’ program para sa minimum wage earners, sa susunod na buwan.
Ito ayon kay Department of Labor and Employment Sec. Bienvenido Laguesma matapos ang naging pahayag ni Alliance of Progressive Labor Sec. Gen. Joshua Mata na ang rice subsidy ay hindi isang sustainable solution sa hinihinging ₱200 wage increase.
Hinimok ni Laguesma ang publiko na bantayan ang magiging epekto ng pag-arangkada ng programa sa Hunyo hanggang Disyembre kasabay nang pagbibigay diin na ang Kongreso ang responsable sa pagtugon sa panukalang taas-sahod.
Una nang inihayag ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na ang mabilis na pag-apruba sa ₱200 legislated across-the board wage hike ang mag-aahon sa higit 5M minimum wage earners sa Pilipinas.