dzme1530.ph

PAGSAMA NG PILIPINAS SA US-LED MULTINATIONAL PARTNERSHIP PARA SA PAGKAKAROON NG AMMUNITION FACTORY, KINONDENA

Loading

Mariing kinundena ng ACT Teachers Party-list ang pagsama ng Pilipinas sa US-led multinational partnership para sa pagkakaroon ng ammunition factory sa bansa.

 

Sa 16-nation Partnership for Indo-Pacific Industrial Resilience, kabilang ang Pilipinas sa nais paglagyan ng manufacturing hub para sa solid rocket motors na ginagamit sa guided missile, at produksyon ng drone at ammunition sa Asia-Pacific.

 

Ang chain for the weapons, ayon kay Cong. Antonio Tinio, ay ginagamit ng Amerika sa genocidal wars at pananakop.

 

Kinundena ni Tinio ang Marcos Jr. administration sa pag-aalok na i-host ng Pilipinas ang load, assembly, at package ng 30mm cannon rounds para sa US military at mga kaalyado o clients nito.

 

Dinadala umano ng Pangulo ang Pilipinas sa malaking panganib tulad ng nangyayari ngayon sa Middle East kung saan tinatarget ng missiles at drone attacks ng Iran ang mga military facilities at economic infrastructures na konektado sa US.

About The Author