Magandang hakbang para kay Sen. Sherwin Gatchalian ang aksyon ng Department of Trade and Industry na iregulate ang presyo ng mga school supplies.
Sinabi ni Gatchalian na malaking tulong ito para sa pamilyang Pilipino na umaasam ng de kalidad na edukasyon para sa kanilang mga anak.
Kasabay nito, hinimok din ni Gatchalian ang mga retailer na istriktong sumunod sa implementasyon ng suggested retail prices at suportahan ang gobyerno sa hakbang na gawing accessible para sa lahat ang edukasyon.
Hinimok din ng senador ang DTI na tiyakin ang maayos na pagpapatupad ng SRP sa buong bansa upang maprotektahan ang interes ng mga mamimili, lalo na ang mga higit na nangangailangan.