![]()
NAGBABALA si Senador Sherwin Gatchalian na posibleng umabot tayo sa pagrarasyon ng produktong petrolyo kung maubusan tayo ng suplay.
Ang senaryong ito ayon kay Gatchalian ay posibleng mangyari kung hindi agad kumilos nang mabilis ang administrasyon upang makahanap ng Source ng langis bago maubos ang ating supply sa loob ng 60 araw.
Ayon kay Gatchalian, hindi na uubra ngayon ang normal na proseso ng pag-uusap at pagbili ng supply ng petrolyo sa pamamagitan ng mga oil companies.
Ang kailangan ay High Level na uri ng pag-uusap sa pagitan ng mga Ministers o kaya ay mga Heads of State.
