Kinatigan ni Sen. Alan Peter Cayetano ang suhestiyon ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na dapat nang magpulong ang National Secutiy Council (NSC) para makabuo ng mga posibleng tugon sa mga agresibong aksyon ng China.
Kasabay nito, nanawagan si Cayetano na resolbahin sa diplomatikong paraan ang patuloy na tumitinding tensyon sa West Philippine Sea.
Umaasa rin ang senador na magkakaroon pa rin ng high level talks sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping gayundin ang isang high-level mini-NSC talk na walang pulitika.
Samantala, maging si Senador Christopher ‘Bong’ Go ay nagnanais na maresolba ang mga isyu sa West Philippine Sea sa mapayapa at diplomatikong paraan.
Iginiit ni Go na ang pagkakaroon ng respeto sa isa’t isa ang susi para mapahupa ang tensyon at maresolba ang mga hindi pagkakaunawaan.
BInigyang diin pa ng mambabatas na bilang mga miyembro ng international community, dapat alinsunod sa mga prinsipyo at values ang bawat aksyon na nakasaad sa United Nations Charter at sa 1982 UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), kung saan kapwa signatory ang Pilipinas at China.