dzme1530.ph

Pagpili kay Lt. Gen Brawner bilang susunod na AFP Chief of Staff, tinawag na good decision

Naniniwala si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na very good decision ang pagpili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Lt. Gen. Romeo Brawner bilang susunod na Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines.

Sinabi ni dela Rosa na excellent choice si Brawner na naging plebo niya sa Philippine Military Academy.

Kilala anya nito ang pagkatao ng heneral na nagmula sa pamilya ng generational heroes.

Para naman kay dating Senador Panfilo Lacson, long overdue na ang pagbibigay ng pinakamataas na posisyon sa AFP kay Brawner.

Si Brawner ang papalit kay General Andres Centino na itatalaga naman bilang Presidential Adviser on the West Philippine Sea. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author