dzme1530.ph

Pagpataw ng mas malaking buwis sa mayayamang pamilya sa bansa, pinag-aaralan na ng Ways and Means Committee

Pinag-aaralang mabuti ng House Committee on Ways and Means ang pagpapataw ng mas malaking buwis sa mayayamang pamilya sa bansa.

Ayon kay Ways and Means panel chairman, Albay Cong. Joey Salceda, mas prayoridad ng komite ang progressive tax na mayayamang pamilya o nagmamay-ari ng malalaking negosyo ang tatamaan kumpara sa Junk Food Tax.

Hindi ito ang unang pagkakataon na tinangkang buwisan ng mas malaki ang mayayamang pamilya, nang isulong ng Makabayan Bloc ang “Wealth Tax” subalit hindi ito lumusot.

Kabilang sa tinaguriang “very rich family” sa bansa ay mga may-ari ng malalaking shopping malls, restaurants, supermarkets, fast food chains, airlines at shippings, subdivision developers at iba pang negosyo.

Binanggit din ni Salceda na nasa radar nila ang panukala ng DOH para sa Salty Junk Food at Sweetened Beverage Taxes subalit hinihintay pa nila ang proposed bill na magmumula sa Department of Finance. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News 

About The Author