dzme1530.ph

Pagpataw ng 1% withholding tax sa mga online seller, pinalagan ng UFCC

Ipinanawagan ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) na ibasura ang panukala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na magpapataw ng 1% withholding tax sa kalahati ng gross remittances ng mga online platform providers sa kanilang online sellers.

Ayon sa consumer group, malaking dagok ito sa mga ordinaryong mamamayan lalo na’t hindi pa naman tuluyang nakakaahon ang bansa sa hirap na idinulot ng COVID-19 pandemic.

Nangangamba din ang grupo na baka panimula lamang ito ng BIR para sa planong bagong buwis na ipinanukala ng Department of Finance (DOF) na anila ay mas lalong magpapahirap sa publiko.

Matatandaang maliban sa 1% withholding tax, inihayag na ng DOF na isusulong ng departamento sa mga susunod na taon ang mga bagong buwis katulad ng Motor Vehicle Road User’s Tax (MVRUT), at karagdagang Excise Tax sa mga sweetened beverages. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author