dzme1530.ph

Pagpasok ng poultry products mula sa 4 pang estado sa Amerika, ipinagbawal ng DA bunsod ng bird flu

Loading

Apat pang estado sa Amerika ang isinama ng Department of Agriculture (DA) sa temporary import ban ng poultry products upang maiwasan ang paglaganap ng highly pathogenic avian influenza (HPAI).

Kasunod ito ng naiulat na outbreaks ng H5N1 bird flu sa Illinois, Minnesota, Ohio, at Wisconsin, na kinumpirma ng US Animal and Plant Health Inspection Service.

Sa ilalim ng Memorandum Order 11, saklaw ng import restriction sa domestic at wild birds, poultry meat, eggs, day-old chicks, at semen.

Exempted naman mula sa ban ang shipments na nai-biyahe, naisakay, at dumating na sa mga pantalan sa bansa, basta’t kinatay o na-produce ang mga ito dalawang linggo bago nagsimula ang outbreak.

About The Author