Napigilan ng Bureau of Customs at ng Department of Agriculture ang pagpasok sa bansa ng “unlawfully imported” oranges.
Sa statement, sinabi ng BOC na ang shipment na galing sa Thailand ay binubuo ng 3,200 na kahon fresh oranges na nagkakahalaga ng ₱8.422 million.
Nasabat ito sa Manila International Container Port (MICP) matapos madiskubre na hindi ito saklaw ng required import sanitary clearance mula sa Bureau of Plant Industry (BPI).
Inihayag ng Customs na ang iligal na importasyon ng oranges ay nabuking kasunod ng derogatory information na ibinahagi ng DA-BPI, kung saan walang mandatory sanitary and phytosanitary import clearance ang naturang shipment. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News