dzme1530.ph

Pagpasa ng EOPT Bill, ipinanawagan ng MBC

Hinimok ng Makati Business Club (MBC) ang mga mambabatas na ipasa ang panukalang batas na magpapadali sa pagbabayad ng buwis.

Ayon sa MBC, malaki ang maitutulong ng Ease of Paying Taxes (EOPT) Bill partikular na ang mas maayos na klasipikasyon ng taxpayers sa micro, small, medium at large categories gayudin ang pag-a-allocate ng special unit sa kada kategorya.

Sa pamamagitan din ng batas na ito, makakapag bayad na ang mga taxpayer sa kahit saang Revenue District Office, at magkakaroon din ng option ang mga ito na mag-file o pagbayad ng tax in-person o online.

Ipinanawagan ito ng grupo matapos aprubahan ang EOPT Bill ng Senate Ways and Means Committee sa pamumuno ni Sen. Sherwin Gatchalian. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author