Tututukan ng Department of Health (DOH) ang pagpapaunlad ng healthcare service sa remote tourist islands sa bansa.
Tinukoy ni Health sec. Ted Herbosa ang “5 gems” o ang limang tourist island na nangangailangan ng maayos na healthcare service para sa mga bisita, kabilang ang Coron, El Nido, Siargao, Panglao, at Boracay.
Ipinaliwanag ni Herbosa na kapag nagkasakit o nasugatan ang mga turista sa mga islang ito, malayo pa ang kanilang lalakbayin para makarating sa health centers.
Kaugnay dito, makikipagtulungan ang DOH sa Department of Tourism upang pagandahin ang health service sa 5 gems.
Samantala, pag-aaralan din ng kagawaran ang pagtatayo ng floating clinics sa island provinces, at sa ngayon umano ay mayroon na nito sa Sultan Kudarat.