Aminado si Health Secretary Ted Herbosa na mahirap magpatupad ng generic na polisiya para sa suspensyon ng face-to-face classes sa buong bansa.
Sa panayam sa Senado, sinabi ni Herbosa na case to case basis ang dapat na pagpapatupad ng suspensyon ng face to face classes dahil magkakaiba ang sitwasyon sa bawat paaralan.
Iginiit ng kalihim na hindi magkakatulad ang structure ng mga paaralan sa buong bansa at nakadepende rin ito sa klima sa bawat lugar.
Marami aniyang remedyong maaaring gawin upang maiwasan ang matinding init nang hindi maisasakripisyo ang pag-aaral ng mga estudyante.
Inirekomenda ng kalihim ang pagsusuot ng mga estudyante at guro ng komportableng damit, madalas na pag-inom ng tubig at iwasan ang outdoor activities lalo na mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Pinayuhan din ni Herbosa ang publiko partikular ang mga mayroong medical condition na iwasang magbabad sa init ng araw, tiyaking palagiang hydrated at kung kakayanin ay manatili sa mga shaded area lalo na sa loob ng bahay.